Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at sa tulong ng mga Municipal Agriculture Office (MAO) ng bayan ng San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena, ay nagsagawa ng dalawang pagsasanay para maturuan ang mga magsasaka ng mga makabagong kaalaman at teknolohiya sa pagtatanim ng palay.
Ang unang pagsasanay Rice Production Technology ay ginanap noong Hunyo 17–18, 2025 sa Brgy. Hall, Manlimonsito, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte, na dinaluhan ng 33 magsasaka (11 lalaki at 22 babae). Ang ikalawang pagsasanay naman ay ginanap noong Hunyo 25–26, 2025 sa Brgy. Covered Court, Don Tomas, Sta. Elena, Camarines Norte, na dinaluhan ng 36 magsasaka (13 lalaki at 23 babae).
Sa pagsasanay, natalakay ang mahahalagang paksa gaya ng:
- Kalagayan ng Industriya ng Palay sa probinsya;
- Basic Rice Production Management Areas na binubuo ng walong (8) bahagi, siyam (9) na “Key Checks” o mahahalagang gabay kung paano maayos na pamahalaan ang kanilang taniman ng palay para mas maging produktibo; at
- Aspeto ng pagbibigay ng sustansya sa palay, lalo na ang tamang EAT (Element, Amount, Time).
- Climate Change kung paano ito nakakaapekto sa produksyon ng palay, lalo na sa kondisyon ng panahon.
- Sakit ng halaman at ang tamang paraan ng pamamahala.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, masaya ang mga magsasaka sa kanilang natutunang mga impormasyon at teknolohiya na gagamitin nila sa kanilang sakahan para mapataas ang kanilang kita at makamit ang rice self-sufficiency ng lalawigan.
Share via:
