Cluster Development Plan: Hakbang Para Mapaunlad ang Pagsasaka ng Palay

Matagumpay na isinagawa noong Hunyo 23–24, 2025 sa Municipal Training Center, Brgy. Poblacion, Sta. Elena ang Cluster Development Plan Formulation Workshop na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) kasama ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Sta. Elena.
 
Dumalo ang 35 magsasaka (20 lalaki at 15 babae) mula sa apat na rice clusters:
 
  1. Santol Irrigators Services Association
  2. MINASAG BIDA Association at BATUNGAL Irrigators Association
  3. Don Tomas Farmers Organization at KABULUAN Farmers and Fisherfolks Association
  4. Maulawin SWISA Pump Irrigation Association, kasama ang iba pang samahan ng magsasaka mula Brgy. San Vicente-Basiad at Plaridel 
Layunin ng pagsasanay na turuan ang mga magsasaka kung paano gumawa ng malinaw at maayos na development plan na magiging gabay sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng kanilang samahan.
Tinalakay ni Mr. Cesar R. Miraña, Provincial Rice Coordinator, ang Orientation ng Farmers Cluster at Consolidation (F2C2) Rice Program. Ipinaliwanag din niya ang pagtukoy sa problema at solusyon, paggawa ng vision at mission, pag-set ng goals, SWOT analysis, at paggawa ng detalyadong action plan.
Binigyang-diin niya ang pangangalap ng tamang impormasyon at datos mula sa miyembro ng samahan para makagawa ng matibay na plano.
 
Sa ikalawang araw, isinagawa ang aktwal na planning workshop bawat cluster. Ibinahagi ng bawat grupo ang kanilang plano at binigyan ng puna at suhestyon ng mga tagapagsalita. 
 
Sa pagtatapos, iIbinahagi ng mga kalahok na sila ay nasiyahan sa training at marami silang natutunan na magagamit nila sa kanilang mga samahan. 
 
Ang mga nagawang cluster development plan ay ipapasa sa OPAg para sa pagsusuri at sa DA RFO V para sa pag-abruba.

 

Share via
Copy link