Pinatunayan ng mga Kabataang CamNorteňo na ang agrikultura ay hindi lamang para sa nakasanayang paraan Kundi maari rin itong maging makabago, kapakipakipakinabang, at pangmatagalang kabuhayan.
Matagumpay na naisagawa ang Provincial Level pitching ng Young Farmers Challenge (YFC) Start-Up competition noong ika-20 ng Pebrero, taong 2025 sa Office of the Provincial Agriculturist, 2nd Floor Provincial Capitol Building, Daet, Camarines Norte.
Sa naturang kompetisyon, anim na makabagong agribusiness proposals mula sa pitong Kabataang negosyante ang itinanghal na YFC 2024 Start-Up Awardee, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Ang bawat awardee ay tumanggap ng ₱80,000.00 bilang panimulang kapital upang maipatupad at mapaunlad ang kani-kanilang napiling negosyo. Layunin ng YFC Start – up Competition na mahikayat ang marami pang Kabataan na magnegosyo at makatulong sa pagpapalago ng lokal ma produksiyon, makapagbahagi ng inobasyon para mas mapadali ang pagsasaka o pangingisda at makapaglikha ng trabaho at kabuhayan sa mga kanayunan.
Ang kanilang mga proyekto ay sumasaklaw sa iba’t ibang larangan – mula sa produksiyon ng sariwang itlog, pag-aalaga ng mga patabaing baboy, hanggang value-adding. Ipinakita ng mga Kabataang ito na sa pamamagitan ng pagnenegosyo, may pera sa pagsasaka at pangingisda.
Sa pamamagitan ng Young Farmers Challenge, patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang pagbibigay ng suporta sa mga Kabataang may malasakit sa agrikultura at handing yakapin ito bilang pangunahing kabuhayan. Ang hakbang na ito ay nakikita bilang mahalagang paraan upang palakasin ang pangmatagalang kasapatan at seguradad sa pagkain, likhain ang bagong henerasyon ng mga megosyante na nagdadagdag ng kontribusyon upang mapatatag ang ekonomiya ng lalawigan.
Ang pagkilalang ito ay patunay na hindi hadlang ang edad para maging lider at inobatibo sa sektor ng agrikultura. Sa halip, ang mga kabataan ang magsisilbing nagong mukha at pag-asa ng makabagong agrikultura sa lalawigan.
Share via:
