Setyembre 15, 2025 — Matagumpay na inilunsad ang Kadiwa ng Pangulo: Tiangge sa FishCon 2025 sa Provincial Capitol Grounds, Daet, Camarines Norte. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Engr. Almirante A. Abad, katuwang sina Acting Governor Engr. Joseph V. Ascutia at Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) Chairperson G. Benedicto A. Palmares.
Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony, na naging hudyat ng pagbubukas ng mga tindahan at produkto tampok sa Kadiwa ng Pangulo, na layuning maitaguyod ang “tulong sa hanapbuhay at ginhawa sa mamamayan” sa pamamagitan ng pagbibigay oportunidad sa mga lokal na magsasaka, mangingisda, at kooperatiba upang maibenta ang kanilang mga produkto nang direkta sa mamimili.
Tampok sa Tiangge sa FishCon ang iba’t ibang produktong lokal tulad ng fresh tilapia, dried and fermented fish, gulay, bigas, processed foods, fruit-bearing trees, at mga halamang pampalasa tulad ng basil, garlic chives, sili labuyo at iba pa. Hindi rin nagpahuli ang mga produktong pangkabuhayan tulad ng sweetened pili nuts, handcrafted accessories, at iba pang produktong tunay na sumasalamin sa malikhaing galing at sipag ng mga mamamayan ng Camarines Norte.
Mayroong labintatlong organisayon/kooperatiba at private na indidbidual ang nakilahok sa tiangge sa fishcon na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Barangay Rural Improvement Club of Itomang (BRICI)
- Camarines Norte Development Cooperative (CANDEVCO)
- Municipal Rural Improvement Club Council of Basud
- JZ’s Special Butcheron and Crispy Isaw
- Provincial Technology Demonstration Farm
- Arachiel Food Products and Garden
- San Lorenzo Ruiz Farmers Association Cooperative
- Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC) & Agri-Pinoy Trading Center
- Department of Agraria Reform (DAR)
- Caayunan Multi-Purpose Cooperative
- Joyra Hair Accessories MFG
- San Lorenzo Ruiz Tilapia Raisers Association (SLRTR)
Ang Kadiwa ng Pangulo: Tiangge sa FishCon 2025 ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan, mga lokal na pamahalaan, at sektor ng agrikultura at pangisdaan upang isulong ang inclusive growth at sustainable livelihood. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinapalakas ang lokal na ekonomiya habang binibigyang pagkakataon ang mga mamamayan ng Camarines Norte na ipagmalaki at pagkakitaan ang sariling ani at likha.
More photos here >> FISHCON 2025
Share via:

