Capability Building and Leadership Training for Farmers and Fisherfolks

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist, katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist ng Talisay, ang isang two-day Capability Building and Leadership Training noong Hunyo 17–18, 2025 sa MDRRMO Building, Poblacion, Talisay, Camarines Norte.
 
Sa pag-uwi ng mga kalahok, dala nila ang mga kakayahan at kapasidad upang higit silang maging epektibo sa larangan ng pamumuno, pamamahala, at operasyon ng kanilang mga organisasyon. Isinagawa ito bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan.
 
Dumalo sa aktibidad ang 25 na kalahok mula sa walong samahan ng mga magsasaka at mangingisda, kabilang ang:Talisaynon Coconut Farmers Association (TCFA), Talisay Livestock Raisers, Inc. (TALIRA, INC.), Sta. Elena Farmers Association, Talisay Vegetable Growers Association (TAVGA), Municipal Fisheries and Aquatic Resource Management Council (MFARMC), San Francisco United Farmers Agriculture Cooperative (SFUFAC), at Mangrove Warriors Fisherfolk Association (MWFA)
 
Tinalakay dito ang mga paksang makatutulong sa pamumuno, administratibong gawain, pinansiyal na aspeto at pagkaunawa sa mga tungkulin ng mga opisyal ng asosasyon. Nagkaroon din ng workshop kung saan aktibong lumahok ang mga kalahok sa praktikal na pagsasanay.
 
Share via
Copy link