Noong ika-18 ng Hulyo 2023 ay isinigawa ang seremonyal na pamamahagi ng mga agricultural farm inputs na Urea fertilizer na ipinagkaloob ng Department of Agriculture sa ilalim ng Fertilizer Donations ng bansang Tsina sa Pamahalaang Lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Office of the Governor at Office of the Provincial Agriculturist (OPAg). Ito ay isiginawa sa Agri-Pinoy Trading Center, Mat-I, Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte. Ito ay dinaluhan ng mga farmer recipients na nagmula sa sampung bayan ng Basud, Mercedes, Daet, Talisay, Vinzons, San Lorenzo Ruis, San Vicente, Jose Panganiban, Paracale at Labo. Ang mga kawani ng OPAg ay siyang naging abala sa pamamahagi ng nasabing farm inputs. Ang programa ay dinaluhan sa pangunguna ni Governor Ricarte R. Padilla, Vice Governor Joseph V. Ascutia, Bokal Rey Kenneth Oning, Engr. Almirante A. Abad, Provincial Agriculturist, Mr. Gabriel Atole, FPA Regional Officer, Mr. Osmundo Guinto, NFA Regional Manager, Mr. Jeffrey G. Baluyot, NFA Branch Manager, Mr. Edgar G. Gadbilao, NFA Acting Assistant Branch Manager at Ms. Ailyn G. Rafer, DA-APCO Cam. Norte.
Ang bayan ng Sta. Elena at Capalonga ay binukod ang pamamahagi at ito ay ginanap sa Governor’s Satellite Office. Ang nasabing pamamahagi ay naging matagumpay din dahil sa magandang ugnayan ng OMAg Sta. Elena, OMAG Capalonga at Pamahalang Lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng OPAg.
Ang pamamahagi ng pataba ay naglalayon na mabawasan at makatipid sa gastusin sa pagsasaka dahil sa pagtaas ng mga presyo nito. Dahil dito, nadagdagan ang ani at tumaas ang kita ng mga magsasaka.
Ang mga magsasaka ay may mga ngiti sa labi dahil sa natanggap na ayuda mula sa pamahalaan.
Share via:

