Pagsasanay sa Teknolohiya sa Produskyon ng Pagpapalay tungo sa Masaganang Ani at Maunlad na Ekonomiya, isinagawa

Ang Pamahalaang Panalalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ay nagsagawa ng On-site Training on Rice Production sa Rizal, Sta. Elena, Camarines Norte noong ika-23 ng Marso, 2024 na ginanap sa Minasag-Bida Farmer Irrigators Association bunk house ng nasabing barangay. Dinaluhan ito ng 25 (11 lalaki at 14 babae) mga magsasaka na nanggaling sa Rizal, San Lorenzo at Salvacion ng nasabing bayan.
 
Sa nasabing pagsasanay tinalakay ang mga mahahalagang paksa sa pagpapalay tulad ng tama at akmang pagpili ng binhi, tamang nutrisyon at kahalagahan ng tubig, pamamahala sa mga peste at sakit at iba pa. Ang naging tagatalakay ng nasabing mga paksa ay kinabibilangan nina G. Cesar R, Mirana, Provincial Rice Coordinator at G. Ronnie R. Asis, Provincial IPM Coordinator. Nagkaroon ng masinsinang at makabuluhan tanungan at talakayan ang naganap habang pinaliliwanag ng mga tagapagasalita ang mga paksa.
 
Sa kabuuan naging matagumpay ang pagsasanay na kung saan mayroon ngiti ang mga magsasaka dahil sa nakuhang kapaliwanagan at mga tama at angkop na teknolohiya sa pagapalay.
Share via
Copy link