Inilunsad ang buwan ng Nobyembre bilang National Rice Awareness Month na pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist ng Provincial Local Government Unit of Camarines Norte. Isa sa mga gawain ay ang pagbigkas ng Panatang Makapalay bilang bahagi ng Flag Raising Ceremony kung saan binibigyang halaga sa panatang ito ang bawat butil ng bigas lalo na ang brown rice o pinawa.
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga rice coordinators at seed growers ng bawat munisipyo ng probinsya noong ika-10 ng Nobyembre, taong 2016 sa Audio Visual Room. Binigyang-tuon dito ang programa ng Kagawaran ng Agrikultura na kilala sa tawag na Rice Productivity Enhancement (RIPE) na dating High Yielding Technology Adoption (HYTA) kung saan nagpapahiram ang nasabing ahensya ng mga agricultural input gaya ng seeds at fertilizer sa mga magsasakang interesado sa programa. Ang RIPE ay naglalayong pataasin ang produksiyon ng hybrid rice sa pamamagitan ng technology demonstration sa mga probinsya katuwang ang ilang seed companies gaya ng SL Agritech, Syngenta at iba pa. Ang DA ang magsasagawa ng validation sa mga lugar na posibleng makatugon sa programa sa pakikipag-ugnayan din ng mga coordinators ng probinsya at ng bawat bayan.
Share via:
