Magsasaka at kawani ng pamahalaan, naki-isa sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month 2018

Nobyembre—muli na namang ipinagdiwang ang National Rice Awareness Month at ito ay binuksan sa pamamagitan ng isang parada / fun walk ng mga kawani ng OPAg na siyang punong-abala sa okasyon kasama ang mga empleyado ng municipal agriculture offices ng lokal na pamahalaan, mga rice seed growers at ilang kinatawan ng samahan ng magsasaka. Ang parada ay nagsimula sa kapitolyo patungong sentro ng Daet at pabalik ng kapitolyo upang ipagbigay-alam sa publiko ang kampanya ukol sa responsableng pagkunsumo ng bigas at ang pagdiriwang ng National Rice Awareness Month tuwing Nobyembre. Nagkaroon muna ng zumba bago ang parada.
 
Ayon kay Provincial Agriculturist Engr. Almirante A. Abad, ang buwan ng Nobyembre ay siyang itinalaga ng Kagawaran ng Agrikultura sa pagdiriwang ng National Rice Awareness month. Ito ang panahon ng pagpapahalaga sa pagod ng mga magsasaka at ipalaganap sa lalawigan ang responsableng pagkunsumo ng pangunahing pagkain hindi lamang bigas kundi pati na rin ng mga tinaguriang “staple foods” tulad ng saba, kamote at mais. Naging bahagi din tuwing flag raising ceremony at kapag may programa ang OPAg ang pagbigkas ng “panatang makapalay”.
 
Samantala, nagkaroon ng mga pagsasanay gaya ng training on GAP for rice production, training for farmers on the production and exchange of high quality inbred rice seed at PRA on rice. Nakiisa din sa assessment and consultation meeting ang mga pangulo at chairman ng mga farmers’/irrigators’ associations at kooperatiba na pinagkalooban ng mga makinaryang pansakahan at pasilidad gaya ng multi-purpose drying pavement (MPDP) at flat bed dryer. Nagkaroon din ng provincial consultation activity cum farmers monitoring and geotagging workshop on rice crop manager noong Nobyembre 5, 2018 sa Tintin Apartelle, Daet, Camarines Norte.
 
Nagkaroon ng Skills Olympics kung saan isa itong kompetisyon ng mga magsasaka sa larangan ng Quiz bee; mga rural improvement community o RIC para sa cooking contest at mga mag-aaral ng elementary at high school para sa slogan at post making contest.
 
Resulta ng ginanap na Skills Olympics:
QUIZ BEE:
1st — Xer Villaluz, Daet
2nd — Reynante Estacion, Paracale
3rd — John Buban, Mercedes
 
COOKING CONTEST:
1st — MRIC Daet
2nd — RIC Jose Panganiban
 
SLOGAN (Elementary Level):
1st — Michelle Orselino, Vinzons Pilot ES
2nd — Bea Marie Montalban, Ramon V. Heraldo ES
 
SLOGAN (High School Level):
1st — Eduardo Salayban, Paracale NHS
2nd — Cleo Encinas, SLRNS
3rd — Rosemarie Hernandez, Vinzons Pilot HS
 
POSTER MAKING (Elememtary Level):
1st — France Jead Salen, Moreno Intergrated School
2nd — Ian Gerald Guinto, Vinzons Pilot Elem School
3rd — Jayland Binasa, Ramon V. Heraldo Elem School
 
POSTER MAKING (High School Level):
1st — Richard Biñas, SLR NHS
2nd — Jyfth Ricafort, Paracale NHS
3rd — Rolly Bequillo, JPang NHS
 
Naantala man ang closing program na ginanap sa Agro Sports Center noong Nobyembre 20, sa kabuuan naging matagumpay pa rin ang National Rice Awareness Month 2018 at inaasahan na magiging mas makabuluhan ang pagdiriwang ng naturang aktibidad sa susunod na mga taon.
Share via
Copy link