Ginanap ang “Makabuluhang Talakayan Tugon sa Hamong Pangkabuhayan at Pangkapaligiran: Farmers and Fisherfolk Summit 2025” sa Camarines Norte State College Covered Court, Daet, Camarines Norte noong ika-18 ng Marso 2025. Layunin nitong talakayin ang mga kinakaharap na hamon ng ating mga magsasaka at mangingisda, at tukuyin ang mga hakbang upang higit pang mapaunlad ang agri-fishery sector ng Camarines Norte. Ito rin ay pagkakataong ipagdiwang, pasalamatan, at bigyang-pugay ang mahalagang ambag ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan.
Nagpasalamat si Governor Ricarte “Dong” Padilla, Vice Governor Joseph Ascutia sa magigiting na magsasaka at mangingisda. Kinilala ni Gov. Dong ang mga magsasaka at mangingisda bilang tunay na bayani sa pagbibigay ng pagkain sa bawat pamilyang Pilipino. Ibinahagi niya ang mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan upang i-modernisa at paunlarin ang agrikultura. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga programang nagsisiguro ng sapat na pagkain ngayon at sa hinaharap. Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ng Gobernador ang lahat na magkaisa tungo sa pagbuo ng mas matatag, mas moderno, at mas sustenableng kinabukasan para sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ang mga sumusunod na ahensya naman ay nag presenta ng kanilang mga programa at preyekto; Department of Agriculture (DA) RFO V, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Fiber Industry (PhilFIDA), Philippine Coconut Authority (PCA), Department of Agrarian Reform (DAR).
Kasabay nito ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist sa pangunguna ni Engr. Almirante A. Abad, Provincial Agriculturist ay namahagi ng 420 set na Fish Net, 6 na set ng Fiber Glass boat with engine, 48 pirasong Crabnets, 10 pirasong Squid pot, at isang High Density Polyethylene (HDPE) para sa tulong pang hanap buhay ng mga mangingisda ng ating probinsya.
More photos here >> Farmers and Fisherfolk Summit 2025
Share via:

