Camarines Norte, kabilang sa Rice Resiliency Program (RRP) ng DA

Dahilan sa pandaigdigang pandemya ng Covid-19, ang Department of Agriculture ay nagkaroon ng pambansang programa tungkol sa “DA Plant, Plant, Plant Program—Ahon Lahat, Pagkaing-Sapat (4Ps ALPAS) na naglalayong mabigyan ng suportang pang-agrikultura ang lahat sa sektor ng magsasaka upang magkaroon ng sapat na kita at suplay ng pagkain ang mamamayang Pilipino sa panahong ito. 
 
Ang Rice Resiliency Program (RRP) ay isa sa mga programa na ang layunin ay mabigyang-suporta ang mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay o pamamahagi ng libreng binhing palay at pataba. Ang programang RRP ay binubuo ng dalawang bahagi, ang Expanded Hybrid Rice at Expanded Inbred Rice na may kaakibat na fertilizer o pataba. Ayon sa DA, ang Expanded Hybrid Rice ay para sa lahat na sakahan na may patubig (irrigated) at ang Expanded Inbred Rice ay para naman sa mga Sahod-Ulan (rainfed).
 
Ang lalawigan ng Camarines Norte ay mapalad na mapabilang sa programang ito ang lahat ng bayang sakop nito. Bago isinagawa  ang  programang ito ay nagkaroon muna ng pagpupulong sa pamamagitan ng virtual-zoom conference and lahat ng municipal agriculturists, MAOs at ilang kawani ng OPAg. Dito ipinaliwanag ang tamang proseso at patakaran ng programa lalo tungkol sa RSBSA na isa sa pinakauna at mahalagang requirement at ilang papeles na kakailanganin sa programa. Nagsimula ang RRP ngayong taniman ng Mayo hanggang Agosto 2020 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga binhing hybrid at certified seeds sa iba’t ibang bayan kasunod ang pamamahagi na abonong urea. Matagumpay na naisagawa ang program sa tulong ng mga kawani ng MAO, OPAg at DA. Sa ngayong ay inaasahan na magkakaroon ng magandang ani ang mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte at ayon sa impormasyon sa mga kinauukulan ang programang ito ay ipinagpapatuloy sa sunod na taniman at tatawagin RRP 2.
Share via
Copy link