Nagsagawa ng pagsasanay sa pangangalaga ng kakaw kasama ang teknolohiyang postharvest sa Cacao Processing Center, Iberica, Labo, Camarines Norte noong ika-30 hanggang ika-31 ng Mayo, 2024. Ang pagsasanay na ito ay naglalayong magbigay sa mga magsasaka ng sapat na kaalaman sa tamang pangangalaga at pagproseso ng kakaw upang mapataas ang produksiyon at kalidad ng ani sa lalawigan.
Ayon kay Ms. Marilyn Puatu, mahalaga na magkaroon ng malalim na kaalaman ang mga magsasaka sa pangangalaga at posibleng market nito, lalo na sa aspeto ng value-adding at processing. Dagdag pa niya, ang layunin ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Municipal Agriculture Office (MAO) ng Labo, ay tiyakin ang tagumpay at ng industriya ng kakaw sa Camarines Norte.
Dinaluhan ang pagsasanay ng 20 mga magsasaka ng kakaw mula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte na nagnanais na matutunan ang wastong pamamaraan ng pangangalaga nito. Sa pagsasanay, itinuro ang tamang pagkuha ng soil sample bilang bahagi ng Integrated Nutrient Management, at binigyang-diin ang kahalagahan ng wastong paglalagay ng pataba at sustansiya upang suportahan ang paglaki ng kakaw. Tinalakay rin ang iba’t-ibang mga peste at sakit, na umaatake sa kakaw at ang epektibong pamamamaraan ng pagkontrol dito. Binigyang-diin ang postharvest technology, na nagbigay sa mga magsasaka ng kaalaman sa tamang pagpoproseso ng kakaw upang mapanatili ang kalidad ng ani at mapataas ang kita sa pamamagitan ng pagpapalawak ng merkado.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, ibinahagi ng mga magsasaka ang kanilang mga positibong impresyon at taos-pusong pasasalamat sa OPAg at sa MAO ng Labo sa inisyatibong ito,
Dinaluhan ang pagsasanay ng 20 mga magsasaka ng kakao mula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte na nagnanais na matutunan ang wastong pamamaraan ng pangangalaga ng kakao. Sa pagsasanay, itinuro ang tamang pagkuha ng soil sample bilang bahagi ng Integrated Nutrient Management, at binigyang-diin ang kahalagahan ng wastong paglalagay ng pataba at sustansiya upang suportahan ang paglaki ng kakao. Tinalakay rin ang iba’t-ibang mga peste at sakit, na umaatake sa kakao at ang epektibong pamamamaraan ng pagkontrol dito. Binigyang-diin din ang postharvest technology, na nagbigay sa mga magsasaka ng kaalaman sa tamang pagpoproseso ng kakao upang mapanatili ang kalidad ng ani at mapataas ang kita sa pamamagitan ng pagpapalawak ng merkado.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, ibinahagi ng mga magsasaka ang kanilang mga positibong impresyon at taos-pusong pasasalamat sa OPAg at sa Mao ng Labo sa inisyatibong ito, na naglalayong palakasin ang pundasyon ng kaalaman sa pangangalaga ng kakao at pagtibayin ang industriya nito sa lalawigan.
Share via:

