Isang magandang karanasan sa mga AFCs ang magbahagi ng best practices at ipagmalaki ang magandang ugnayan ng konseho at ng LGU’s. Noong Marso 16-17, 2023 ng maganap ito at makarating ang PAFC Albay upang magsagawa ng kanilang benchmarking at experiential learning sa ating lalawigan. Ilang MAFC’s na mayroong katangi-tanging maibabahagi ang kanilang pinuntahan na iminungkahi ng PAFC Camarines Norte.
Limampung (50) miyembro at opisyales ng PAFC Albay kabilang si PAFC Chair Rene delos Reyes ang malugod na tinanggap ng MAFC Basud, sa pangunguna ng kanilang Punong Bayan Adrian Davoco at MAFC Chair Julian Martinez. Pinagmalaki ng MAFC ang kanilang produktong pinya na pinagtutulungang palaguin ng Caayunan Multi-Purpose Cooperative na isa rin sa aktibong kasapi ng MAFC Basud. Nagkaroon din ng pagbabahagi ng kanilang accomplishment at AFC programs na sinusuportuhan ng LGU at ang kanilang mobile meeting upang ilapit ng lubusan and gawaing AFC sa barangay. Tinanggap naman ni Gob. Ricarte Padilla, PAFC Chair Benny Palmares at PA Almi Abad ang grupo sa kanilang pagdating sa kapitolyo. Nagkaroon ng maikling programa, kabilang na dito kung paano nabibigyan ng suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ang PAFC sa pamamagitan ni PPDC Ellen Austria. Binigyan din sila ng virtual Tour ng Provincial Tourism Office sa magagandang destinasyon na maaring pasyalan sa lalawigan. Tumungo ang grupo sa bayan ng Talisay at malugod silang tinanggap ni Punong Bayan Donovan Mancenido, kasama ang SB members, MAFC Chair Roberto Abierta at MA Lorena Manalo. Nagpalitan ng mga karanasan at pagsubok na nagpatibay sa ugnayang MAFC at ng LGU. Pinagmalaki din nila ang mga produkto ng samahan ng mga kababaihan na siyang pangkabuhayan ng mga miyembro tulad ng atsara, turmeric powder, balaw sa botelya, chili in oil at mga kakanin. Samantala, ang MAFC Vinzons sa pamamagitan ng Vinzons Food Processors ay ipinakita ang pagluto ng kanilang angko at pandecillos. Malugod silang tinanggap ni Punong Bayan Eleanor Segundo at MAFC Chair Christopher Chiles Ferrer kasama ang mga miyembro at opisyales nito. Dumako, naman sila sa bayan ng Mercedes na tinanggap ang grupo ni Punong Bayan Alexander Pajarillo, MAFC Chair Eduardo Nael at MAO Rowie de los Reyes. Sinamahan sila sa isang smoking establishment upang makita ang proseso ng paggawa ng tinapa. Ang MAFC Daet naman ay pinagmalaki ang partnership na Kabalikat sa Kabuhayan ng SM Foundation at LGU-Daet. Ipinasyal sila sa display booth ng mga produkto ng mga miyembro ng asosasyon at ng MAFC. Tinanggap naman sila dito ni Konsehal Tom Turingan, MAFC Chair Eden Zabala at OIC-MA Dr. Reuben Naperi. Ang dalawang araw na pagbisita ng PAFC Albay ay nagbigay ng ideya at kasagutan bakit maganda at puno ng inspirasyon na magsilbing boses at tulay ng kanilang kapwa magsasaka at mangingisda ang AFC sa Camarines Norte.
Share via:

