Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA RFO 5) at ng Provincial Government ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang pamamahagi ng financial assistance sa mga magsasaka ng palay sa lalawigan na nagkakahalaga ng limang libong piso (P5,000). Ang mga benepisyaryong mga magsasaka ay kinakailangang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may kabuuang sukat na lupang sinasaka na hindi hihigit sa dalawang ektarya (2 ektarya). Ang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ay nagmula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) tariff revenues at naglalayong mabigyang tulong ang mga magsasaka.
Ang launching ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ay isinagawa noong December 10, 2021 at nagpatuloy sa mga itinakdang araw ng iskedyul ng pamamahagi bilang tugon sa health protocols. Nagpaabot ng suporta ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Edgardo Tallado, Acting Vice Governor Concon Panotes, Engr. Jonah Pimentel, Congresswoman Marisol Panotes, Board Members Reynoir Quibral, Artemio Serdon, Aida Dasco, Atoy Moreno at iba pa tungo sa pag-abot ng masaganang ani at mataas na kita sa kabila ng pandemya.
Sa lalawigan ng Camarines Norte ay 7,437 na ang nakatanggap ng nasabing financial assistance; Basud–614, Capalonga–902, Daet–665, Jose Panganiban–463, Labo–1,298, Mercedes–218, Paracale–1,163, San Lorenzo Ruiz–113, San Vicente–115, Sta. Elena–592, Talisay–567, Vinzons–727, na may
kabuuang bilang ng mga benepisyaryo na 7,843.
Malaki ang pasasalamat ng mga magsasaka dahil bukod sa kahirapang dulot ng pandemya ay tumataas rin ang presyo ng abono na labis na nagpapabigat sa kanilang pamumuhay lalo pa at umpisa na ng pagtatanim.
Share via:

