Ang Rice Achievers’ Award (RAA) ceremony ay taunang isinasagawa bilang pagkilala sa mga natatanging rice producers sa Pilipinas. Isa itong proyekto ng pamahalaan upang kilalanin ang mga nagawa ng lokal na pamahalaan (lalawigan, lungsod at bayan), mga Small Water Impounding Systems Associations (SWISAs), Irrigators’ Association (IAs), Local Farmer Technicians (LFTs) at mga Agricultural Extension Workers (AEWs) upang makatulong sa Department of Agriculture (DA) na tugunan ang pangangailangan sa pangunahing pagkain hindi lamang bigas maging mais, kamote, kamoteng-kahoy at saba.
Pasok ang probinsya sa Category B kung saan kwalipikado ang mga lalawigang hindi tataas sa 250,000 metro tonelada ang produksyon pero may humigit 25,000 ektaryang palayan. Ang nasabing kategorya ay may kaukulang gantimpala na Php. 500,000.00 (project based) na makakatulong sa pagpapataas ng produksyon ng bigas sa pamamagitan ng mga teknolohiya o interventions na isasakatuparan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg).
Bahagi ng programa ang ebalwasyon o pagsusuri at validation ng mga produksyon, mga gawain at maging mga interventions na kanilang ginawa para sa mas epektibong pagpapalayan. Isa ang Camarines Norte sa mga mapalad na naging kalahok sa naturang pagkilala dahil na rin sa mataas na produksyon ng bigas na naitala sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Isinagawa ang ebalwasyon sa Audio Visual Room, 3rd Flr., Provincial Capitol Bldg., Daet, Camarines Norte noong Abril 16, 2018. Ipinatawag ang lahat na AEWs ng OPAg na kabilang sa Rice Program ng DA, Provincial Budget Officer, Provincial Accountant at PPDC kasama ang mga Municipal Coordinators sa bawat bayan. Nagkaroon ng mga katanungan ang technical working group na binubuo ng mga representante mula sa iba’t ibang ahensya katulad ng Department of Agriculture (DA)-Central Office, Agricultural Training Institute (ATI), Bureau of Soil and Water Management (BSWM) at Philippine Center for Post Harvest Development and Mechanization (PhilMech). Isa isa namang binigyan ng katunayan ang bawat datos na nakapaloob sa scrapbook na isinumite ng OPAg.
Matapos ang desk evaluation alinsunod ang validation, nakapasok ang OPAg at pinarangalan ng gantimpalang Php. 500,000 project—based na maaari nilang magamit sa mga proyektong dapat ilaan sa probinsya at programang dapat pang ipagpatuloy dahil ito ay nakapagbigay ng malaking bahagi sa pagtaas ng produksyon ng bigas. Ito ay ang pagkakaroon ng mobile soil test analysis kung saan dadalhin mismo ang serbisyong pag-aanalisa ng komposisyon ng lupa sa mga lugar ng magsasaka. Gayundin, ang pagpapatuloy ng rice seed subsidy program upang makabawas sa gastusin ng mga magsasaka.
Share via:

