Camarines Norte, wagi bilang Outstanding Province in Organic Agriculture

Pinarangalan ang probinsya ng Camarines Norte ng Department of Agriculture (DA) sa ginanap na 10th Bicol Organic Congress na idinaos sa Labo Convention Center, Labo, Camarines Norte noong Oktubre 12-13, 2017 na may temang “Pagsasakang Organiko, Kalusugan at Pag-unlad, Sigurado”. Ito ay dinaluhan ng humigit kumulang sa 700 organic producers, advocates mula sa academe, magsasaka at LGUs galing sa iba’t ibang probinsya ng Rehiyong Bicol. Naging panauhing tagapagsalita si Rev. Fr. Ian S. Trillanes, miyembro ng National Organic Agriculture Board (NOAB).
 
Itinampok sa nasabing okasyon ang pagbibigay parangal sa mga regional winners sa iba’t ibang kategorya ng Search for Outstanding Organic Achievers Awards sa taong 2017. Ang Camarines Norte ang nagkamit ng pinakamataas na parangal bilang Outstanding Province in Organic Agriculture na nagbigay-daan upang makatanggap ang probinsya ng Php. 500,000.00 project grant at plake ng pagkilala.
 
Nagkamit din ng parangal ang Ligao City bilang Outstanding City in Organic Agriculture na may Php. 300,000.00 project grant at plake. Ang mga sumusunod ay ginawaran din ng parangal: 1) Felina Angeles ng Sorsogon—Outstanding Organic Agriculture Provincial Focal Person (Php. 25,000.00 cash prize at plake); 2) Dexter A. Mendoza ng Ligao City Outstanding Organic Agriculture City Focal Person (Php. 20,000.00 cash prize at plake); 3)Luisita Navo ng Baao, Camarines Sur  Outstanding Organic Agriculture Individual Farmer Category (Php. 15,000.00 at plake); 4) Elmer Salazar ng Goa, Camarines Sur—Outstanding Organic Agriculture Individual Farmer Category (Php. 50,000.00); 5) Campita Family ng Goa, Camarines Sur—Outstanding Organic Agriculture Farming Family Category (Php. 50,000.00 at plake); 6) Guisican Multi-Purpose Cooperative ng Labo, Camarines Norte—Outstanding Organic Agriculture Group category (Php. 100,000.00 project grant at plake).
 
Pinarangalan din bilang Most Promising City in Organic Agriculture ang Iriga City na may gantimpalang Php. 150,000.00 project grant at plake; Jonafel Taduran—Most Promising Organic Agriculture City Focal Person (Php. 100,000.00 cash prize at plake). Si Edgar Oliva naman ang naging Most Promising Organic Agriculture Extension Worker na may Php. 8,000.00 cash prize at plake.
 
Isang natatangin pagkilala din ang ibinigay sa LGU ng Albay dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng five-year Albay Family Based Food Production Program na sumusuporta sa organic agriculture sa 720 barangays na may 72,000.00 cooperators. Sa kabuuan ay naging matagumpay na naidaos ang okasyon sa pagtutulungan ng LGU Labo at ng Department of Agriculture.
Share via
Copy link