Masayang nagsipagtapos ang mga participante ng Season-Long Training of Trainers (TOT) on Corn cum GAP with NC III noong ika-16 ng Hunyo, taong 2017 sa Kalinangan Training Center, Brgy. Calasgasan, Daet, Camarines Norte. Ang limang buwan na pagsasanay na ito ay binubuo ng mga pagtatalakay at aktwal na demonstrasyon mula sa pagtatanim ng mais hanggang pag-ani nito. Kasabay din ng pagtatapos ng mga TOT participants ang mga magsasakang dumalo sa Farmers’ Field School (FFS) mula sa iba’t ibang barangay sa probinsya.
Binuo ang programa ng pagbibigay ng mensahe ng mga panauhin, folk media presentation ng bawat FFS participants, raffle, pagkakaloob ng sertipiko at mga awards sa mga natatanging graduates at di rin mawawala ang presentation ng TOT graduates. Binigyan parangal si Mr. Manuel Odi mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), isang agricultural technologist, bilang Most Outstanding TOT participant dahil sa kanyang husay sa larangan ng written at hands-on performance sa pagtatanim ng mais.
Share via:
